Ang COVID-19 Vaccine (ChAdOx1-S [recombinant]) (COVID-19 Vaccine Astrazeneca) sa ilalim ng emergency na paggamit

Naglalabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) para sa mga di-rehistradong bakuna at gamot sa panahon ng mga public health emergencies. Pinabibilis ng awtorisasyong ito na magamit ang mga interbensyon na kailangan ng mga apektadong populasyon. Bago maglabas ng EUA, isinasaalang-alang ng mga ahensiyang namamahala sa regulasyon ang mga pamantayan sa kalidad, kaligtasan, at bisà. Kailangang tumanggap muna ng EUA ang lahat ng bakuna bago ipagámit sa immunization. 

Upang mabawasan ang dami ng posibleng magkasakit ng COVID-19, inirerekomenda ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang emergency na paggamit ng COVID-19 Vaccine (ChAdOx1-S [recombinant]) (COVID-19 Vaccine Astrazeneca) sa mga indibidwal na edad 18 taon pataas, kung saan dapat ay mauna ang mga higit na nasa panganib at madaling kapitan ng sakit. Isinaalang-alang ng HTAC ang mayroong pinakamabuting siyentipikong ebidensiya sa mga kasalukuyang pagsusuri at rekomendasyon. Pinipigilan ng bakuna ang sintomatikong COVID-19 na impeksiyon sa panandalian, at higit ang mga benepisyo kaysa panganib. Patuloy ang mga mananaliksik sa buong mundo sa pagkolekta at pagmonitor ng mga datos upang matukoy ang pangmatagalang bisà, kaligtasan, at potensiyal nitó na mabawasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sino ang dapat tumanggap ng bakuna?

Ang mga táong kabílang sa mga priyoridad na grupo na edad 18 taon pataas ay maaaring tumanggap ng COVID-19 Vaccine  (ChAdOx1-S [recombinant]) (COVID-19 Vaccine Astrazeneca).

Sino ang HINDI dapat tumanggap ng bakuna?

  • Mga táong nagkaroon ng anaphylaxis, allergic reaction (gaano man  ang lubha), o hypersensitivity sa aktibong mga sangkap (o iba pang kaugnay na mga molecule) na nangyari sa loob ng apat na oras mula nang mabukanahan
  • Mga taong ang edad ay mababa sa 18 taon.

Ano ang mga kontraindikasyon na kaugnay ng bakuna?

Ang COVID-19 Vaccine (ChAdOx1-S [recombinant]) (COVID-19 Vaccine Astrazeneca) ay gumagamit ng isang recombinant, replication-deficient chimpanzee viral vector (ChAdox1) na batay sa pinahinang adenovirus strain. Hindi nakadudulot ng sakit ang bakuna dahil wala itong mga inactivated pathogen particle.

Mga naiulat na di-magandang pangyayari

  • Anaphylaxis, allergic reactions (anumang lubha nito), o hypersensitivity sa sumusunod na excipients:

○ L-Histidine

○ L-Histidine hydrochloride monohydrate

○ Magnesium chloride hexahydrate

○ Polysorbate 80

○ Ethanol

○ Sucrose

○ Sodium chloride

○ Disodium edetate dihydrates

○ Tubig para sa iniksyon

  • Pagiging sensitibo at/o kirot sa bahaging binigyan ng ineksiyon
  • Pananakit ng Ulo
  • Malaise o myalgia
  • Panginginig o pyrexia
  • Pagsusuká o arthralgia 

Anong mga pag-iingat ang dapat isaalang-alang bago gawin ang pagbabakuna?

  • Para sa mga nagkaroon ng mabilis na allergic reaction o hypersensitivity sa anumang injectable therapy, gaya ng mga intramuscular, intravenous, o subcutaneous na bakunang walang kaugnayan sa isang sangkap ng mga mRNA COVID-19 vaccine, kailangang mayroong panggamot para sa malulubhang allergic reaction
  • Para sa mga mayroong coagulation disorder (gaya ng thrombocytopenia) o mga táong tumatanggap ng anticoagulation therapy, dapat estriktong isagawa ang pagbabakuna sa pangangasiwa ng manggagamot
  • Para sa mga may kasabay na bahagya hanggang sa malubhang sakit, para sa immunocompromised therapy, ang pagbabakuna ay maaaring depende sa payo ng manggagamot
  • Para sa mga mayroong katamtaman hanggang malubhang sakít na hindi na tumatagal (acute illness), mga táong immunocompromised o tumatanggap ng immunosuppressive theraphy, ang pagbabakuna ay maaaring ayon sa payo ng doktor.
  • Para sa mga nasa edad 56 taon pataas, ang pagbabakuna ay maaaring nasa ilalim ng pangangasiwa at ayon sa payo ng manggagamot
  • Para sa mga buntis at nagpapasuso na hindi isinama sa priyoridad na mga grupo, kailangan ang payo ng doktor tungkol sa pagbabakuna.  

Paano dapat itago ang bakuna?

Ang ating pambansang programa sa COVID-19 vaccination ay sumusunod sa cold chain storage protocol para sa mga mRNA vaccine na itinakda ng World Health Organization (WHO).

  • Maayos na nakaimbak sa isang malamig na lalagyan na may temperaturang 2° hanggang 8°C, ang di-bukás na multidose vials ay maaaring tumagal hanggang anim na buwan. Huwag i-freeze. Panatilihin nakalagay ang mga bakuna sa kanilang mga eksternal na karton para  maprotektahan laban sa direktang liwanag.
  • Habang ginagamit, panatilihin ang mga bakuna sa pagitan ng temperaturang 2°C at 25°C.

Paano dapat ihanda ang bakuna bago ibigay?

Panlahat na Impormasyon at Paghahanda para sa COVID-19 vaccine (ChAdOx1-S [recombinant]) (COVID-19 Vaccine Astrazeneca)

  • 10-dose, clear type I glass vial (Pakete ng 10)
  • 5mL solution
  • Halobutyl rubber stopper
  • Aluminum overseal, plastik na flip-off cap
  • 8-dose, malinaw na klase ng I glass vial (pakete ng 10)
  • 4mL solusyon 
  • Halobutyl rubber stopper
  • Aluminum overseal, plastik na flip-off cap

Paghahanda ng bakuna

  1. I-assess ang kalagayan ng tatanggap. Tingnan ang mga potensiyal na kontraindikasyon at mga pag-iingat, at ribyuhin ang kanilang mga naunang tinanggap na bakuna.
  2. Gawin ang pamamaraang aseptic. Maglinis ng kamay bago ihanda ang bakuna, bago magtanggap ng susunod na babakunahan, kung magpapalit ng guwantes at sa anumang pagkakataon ng madumihan ang mga kamay.
  3. HUWAG gagámit ng mga expired na bakuna. Tingnan ang petsa ng expiration ng bakuna bago gamítin
  4. Suriin ang mga vial para sa mga particulate matter o pagbabago ng kulay. Walang kulay o bahagyang kulay brown ang solution, na may klaro hanggang bahagyang malabong konsistensi. HUWAG gumamit ng mga vial na may na may ibang kulay ang likod. Huwag aalugin ang vial.
  5. Itago ang mga bakuna sa mga temperaturang nása pagitan ng 2°C at 25°C at ibigay ang mga ito sa loob ng anim (6) na oras; itapon ang mga bakuna na hindi nagamit. 

*Hindi rekomendado ang mga guwantes maliban kung ang tagabakuna ay maaaring magkaroon ng contact sa isang potensiyal na nakakahawang likido ng katawan o lantad na sugat. Kapag isusuot, sundin ang pamamaraang aseptic. Tiyaking malinis ang mga kamay at magpalit ng guwantes sa bawat tatanggap.

Paano dapat ibigay ang bakuna?

Tiyaking nakasuot ng kompleto at wastong personal protective equipment (PPE) bago ibigay ang mga bakuna.

  1. Piliin ang wastong kagamitan at laki ng karayom. Tiyaking gumamit ng bago, malinis na karayom at heringgilya sa bawat ineksiyon.
  2. Gumamit ng bago, malinis na karayom at heringgilya para sa bawat babakunahan. Sundin ang pamamaraang aseptic kapag kumukuha ng dose na ibibigay.  
  3. Kumuha ng 0.5mL na bakuna gámit ang inihandang heringgilya. Tiyaking makuha ang kinakailangang buong dose; itapon ang natitirang bolyum.
  4. Matapos maihanda ang dose ng bakuna, dalhin agad ito mula sa lugar ng inihanda ito patungo sa lugar na ibibigay ito.
  5. Agad na ibigay ang bakuna sa pamamagitan ng intramuscular (IM) sa deltoid muscle. 

Paano dapat pangasiwaan ang mga di-magandang pangyayari?

Kung nagkaroon ng mabilis na di-magandang pangyayari o reaksiyon matapos ang pagbabakuna, obserbahan sa loob ng:

30 minuto

  • Mga táong nagkaroon ng mabilis na mga allergic reaction (anumang lubha nitó) sa mga bakuna o ibang injectable therapy, at
  • Mga táong nagkaroon ng mabilis na allergic reaction dala ng iba pang dahilan.

15 minuto

  • Lahat ng iba pang tao

Dapat na mahigpit na binabantayan, itinatalâ, at iniuulat ng mga tagapagbigay ng mga bakuna ang mga di-magandang reaksiyon sa pamamagitan ng Adverse Events following Immunization (AEFI) Committee, pambansang sistema sa pharmacovigilance at surveillance.

Ilang araw ang pagitan at ano ang mga restriksiyon ang dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng mga dose?

  • Dapat tumanggap ang mga may edad 18 taon pataas ng dalawang magkahiwalay na 0.5mL dose ng bakuna na may pagitan na apat at 12 linggo.
  • Dapat na parehong COVID-19 Vaccine (ChAdOx1-S [recombinant]) (COVID-19 Vaccine Astrazeneca) lamang ang dalawang doses. 
  • Hindi pa nasusuri ng mga lupon sa regulasyon ang kaligtasan at bisà ng paggámit ng magkaibang produkto. Kailangang makompleto ang parehong dose gámit ang iisang produkto. Kung sakaling hindi sinasadyang nagbigay ng mga dose na mula sa magkakaibang mRNA vaccine, inirerekomenda ng HTAC na huwag nang magkaroon ng dagdag na dose ng alinmang produkto sa panahong ito
  • Huwag gamítin ang bakuna nang kasabay ng ibang bakuna, mga remedyo, o gamot. 

Sanggunian

Impormasyon para sa Healthcare Professionals tungkol sa COVID-19  Vaccine na Astrazeneca. Pamahalaan ng United Kingdom. Nakuha mula sa 

https://www.gov.uk/government/publications/regulatory-approval-of-covid-19-vaccine-astrazeneca/information-for-healthcare-professionals-on-covid-19-vaccine-astrazeneca.