Inirerekomenda ng HTAC na maaring gamitin sa pagbabakuna ng mga kabataang 12-17 taong gulang ang mga COVID-19 vaccine na Pfizer-BioNTech at Moderna sa 2022.
Link sa HTAC Recommendation: Pediatric Vaccination for the prevention of COVID-19
Link sa English Version: HTAC Guidance: COVID-19 Vaccination among the Adolescent Population
Mga Bakuna para sa COVID-19 na sakop ng Emergency Use Authorization o EUA
Ang Food and Drug Administration Philippines (FDA Philippines) ay nagbibigay ng Emergency Use Authorization o EUA upang mapabilis ang pagsusuri ng mga health technology (katulad ng mga bakuna at gamot) upang agarang magamit o maibahagi sa mga apektadong populasyon. Bago magbigay ng EUA ang FDA sa mga bakuna o gamot na gagamitin sa public health emergency, maingat na sinusuri ang bisa, kalidad at kaligtasan nito.
Kapag nabigyan na ng EUA ang isang health technology (katulad ng bakuna) at may positibong rekomendasyon mula sa HTAC, maaari na itong magamit sa National Immunization Program (NIP) at maisama sa COVID benefit package ng PhilHealth.
Sa mga bakunang gamit laban sa COVID-19, ang Pfizer-BioNTech at Moderna pa lang sa ngayon ang binigyan ng EUA para sa kabataang may edad na 12-17 taon. Ang mga bakunang hindi binigyang prioridad ng gobyerno ay hindi isinama sa pagsusuring ito ng HTAC.
Ano ang rekomendasyon ng HTAC para sa kabataang may edad na 12-17 taon?
Base sa pag-aaral ng mga kasalukuyang ebidensya, inirerekomenda ng HTAC ang paggamit ng Pfizer-BioNTech at Moderna para sa kabataang may edad ng 12 to 17 taon. Nararapat na sundin ang mga pamantayang hakbang at mga alituntunin sa paggamit ng mga bakuna na may EUA para sa kabataan.
Basehan ng mga Rekomendasyon ng HTAC
Ipinapakita ng kasalukuyang mga ebidensya na ang mga bakunang Pfizer-BioNTech at Moderna ay epektibo at may potensyal na mabawasan ang symptomatic at malubhang impeksyon ng COVID-19 sa kabataan. Bagaman ipinapakita sa mga kasalukuyang ebidensya na ligtas gamitin ang mga nasabing bakuna para sa kabataan, kinakailangan ng higit pang datos upang mapatunayan ang pangmatagalang kaligtasan nito.
Batay sa pamantayan ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos para sa mga side effect, mayroong mga bihirang kaso ng pagkakaroon ng myocarditis o pamamaga ng kalamnan ng puso at pericarditis o pamamaga ng outer lining ng puso sa paggamit ng mga mRNA vaccine tulad ng Pfizer-BioNTech at Moderna. Sa kabila ng mga kasong ito, ang benepisyo ng pagbabakuna (proteksyon laban sa COVID-19 at mga komplikasyon nito) ay nakahihigit sa mga bihirang panganib na dulot nito.
Ayon sa impormasyon mula sa Department of Finance o DOF at sa National Vaccine Operation Centers (NVOC), magkakaroon ng sapat na dami ng bakuna para sa mga taong hindi pa nababakunahan at para sa mga kabataan (gamit ang Pfizer-BioNTech at Moderna). Mabawasan din ng pagbabakuna ang mga gastusin ng mga sambahayan sapagkat naiiwasan nito ang mga gastos mula sa pagkakaroon ng COVID-19. Ayon sa isinagawang survey ng DOH Health Promotion Bureau, katanggap-tanggap naman sa publiko ang pagbabakuna sa kabataan.
Paano na ang paggamit ng ibang mga bakunang hindi nabanggit, para sa kabataan?
Hindi pa masuri nang lubusan ng HTAC ang ibang mga pamantayan sa mga bakunang AstraZeneca at Janssen sapagkat kulang pa rin ang ebidensya sa kaligtasan, bisa at potensyal nito sa pagbawas ng impeksyon ng COVID-19 sa kabataan. Dahil limitado ang ebidensya para sa Coronavac, inaasahan pa ang mga karagdagang pag-aaral upang mapagtibay ang kaligtasan at bisa nito para sa kabataan. Ang mga bakunang ito ay hindi pa nabigyan ng EUA upang magamit sa kabataan.
May rekomendasyon ba ang HTAC para sa mga batang wala pang 12 taong gulang?
Babalikan ng HTAC ang mga nabanggit na rekomendasyon kapag mayroon nang sapat na ebidensya para sa mga kabataang wala pang 12 taong gulang.
Dahil mabilis naman na dumarating ang resulta ng mga bagong pag-aaral, ang HTAC ay laging nakasubaybay upang sisiguruhin na ang kanilang rekomendasyon ay naaayon sa mga bagong ebidensyang makakalap.
References
Adolescent health in the South-East Asia Region [Internet]. World Health Organization – South East Asia. 2021 [cited 27 October 2021]. Available from https://www.who.int/westernpacific/health-topics/adolescent-health
Boehmer T, Kompaniyets L, Lavery A, Hsu J, Ko J, Yusuf H et al. Association Between COVID-19 and Myocarditis Using Hospital-Based Administrative Data — United States, March 2020–January 2021. MMWR Morbidity and Mortality Weekly Report. 2021;70(35):1228-1232.
Myocarditis and Pericarditis After mRNA COVID-19 Vaccination [Internet]. Centers for Disease Control and Prevention. 2021 [cited 28 October 2021]. Available from: https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/vaccines/safety/myocarditis.html.